Losing my Faith.
Losing my faith.
this post should be posted in a said date, but I only has the courage to post it right now .
this post should be posted in a said date, but I only has the courage to post it right now .
Today is July 3, 2018 exactly 4:57 am
di ko feel mag-english ngayon gawa nang baka may malampasan akong topic pag nag english ako.
tagalog sana para mas feel ko yung paglalabas ng sama ng loob.
wala kasi akong mashare-an,
gusto ko sana sa 413s kaso they're too young para mas maintindihan yung sitwasyon ko.
at medyo complicated pa ang understanding naming magkaka-grupo.
sa Youth leaders? Maybe some of them, but prefer kong huwag nalang.
sa JFC sana kaso parang ayaw kong makagulo sa kanila, may current activity kasi kami that time.
sa mga tropa ko sana kina Hubert, Arthur at Harvey sana kaso di sila Christian, di nila ako maiintindihan.
so wala akong choice, tsaka mas made-detalye ko kung sa sarili kong passion ko maiisawalat ang lahat.
Graduate na ako ng senior high at kahit alumni na ako sa aking alma mater, ay patuloy pa rin pagse-served ko sa Lord thru pagsama sa JFC sa paghayo.
right after na pagkagaling ko sa Laguna University kahapon, July 2, deretso agad kami ng mga kasama ko sa AMA para sumama sa kanila sa share ng Word of God.
Excited ako.
pero una palang alam kona.
alam kona sa sarili kong may dinadala ako kaya baka malito ko lang yung istudyante sa pagshe-share ko.
and it happened.
utal-utal ako sa unahan, nanlalalamig ako at nahihiya.
kaya isang beses lang ako nagshare kasi parang di ko kaya, parang nawalan ako ng ability na magshare.
nanahimik ako pagkagaling sa room na yon.
gusto ko nang umuwi at mag iniyak sa comfort place ko, yung bakuran sa likod Church namin.
ito lang kasi ang tanging nagpapakalma sa akin.
hindi ako nahihiya sa JFC kasi alam kong ramdam nila na may problema ako, di kasi nila ako pinagshe-share pero ako itong mapilit.
nahihiya ako kay Lord.
feeling ko na-disappoint Sya sa akin.
gusto kong humanap ng pagke-kwentuhan kaso alam kong di ako mage-gets ni Kuya juntom, yung Jam leader ko.
di rin ako mage-gets ni rere, pinakaclose ko sa 413s- tanging pinagke-kwentuhan ko nang sama ng loob.
kung nandito lang sana si kuya Toto, sana may karamay ako.
ewan ko ba parang kinukulong ko ang sarili ko sa mga pagkakamali ko, which is wrong naman alam ko.
gusto kong maiyak,
ayaw ko ng ganito.
like I'm losing my faith.
kaninang madaling araw tsaka kagabi bago ako matulog, nag-recollect ako ng mga nangyari sa akin these past few days.
at tsaka ko na-realize na ...
nanlalamig na pala ako kay Lord.
yes, I'm physically active sa mga activities sa Church o JFC pero parang lagi akong wala sa puso.
hindi pala nababase sa pagpunta punta sa Church ang pagiging on-fire.
di na pala ako nakakapagbasa ng bible, kahit isang beses sa isang araw.
di ko na pala nade-devote yung sarili ko sa kanya tuwing umaga.
kaya pala ...
napapansin ko nitong nakaraang araw ay nawawalan na ako ng interes sa lahat, yung desire sa puso ko nawawala na.
tinatamad na akong matututong mag-gitara na passion ko rin kasi gusto kong mag-worship kay Lord lagi lagi kahit sa bahay.
tinatamad na akong mag-devotion kasi feeling ko ang galing-galing ko na.
I know kung ano ang binigay sa akin ni Lord.
God gave me this ability na magshare ng Word nya.
God gave me a Godly wisdom na mas maintindihan deeper yung Words nya.
kaya pala,
dati isang basa ko lang sa verse, gets kona agad pero ngayon, nakaka-tatlong basa na ako ang hirap nang ipasok sa utak ko.
dati may confident ako ng magshare ng Words nya sa 413s pero ngayon, nawawalan na ako kakayahan.
parang sariling talent ko nalang ang binibigay ko kay Lord.
parang 'bahala na.'
di ko to napapansin until now kasi active nga ako mga Church activities.
ganito pala pag sariling knowledge mo nalang, pag wala yung knowledge ni Lord.
di ko alam kung paano sisimulan yung pagrecollect ko sa sarili ko.
ang blanko kasi pag di ko ramdam si Lord sa puso ko e.
nahihirapan ako e.
ayaw ko nito.
gusto ko yung nasa akin pa rin si Lord.
Please Lord.
ang hirap pag sarili mona yung kalaban mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento